Region XII Share mula sa National Tax Allotment ay aabot ng Php 44.2 billion next year.  

Region XII Share mula sa National Tax Allotment ay aabot ng Php 44.2 billion next year.  

Koronadal City, South Cotabato

September 13, 2024


Maayong aga sa ating Vice Governor at sa lahat ng leaders ng  Provincial Government of South Cotabato and even the Senior Officials and Regional Directors of Department Line Agencies.  

Again, maayong aga! 

Assalamu alaikum wa Rahmatullahi wa Barakatuh. 

Bago po ang lahat, maraming salamat po sa pagdalo ninyo sa kaarawan ng ating mahal na Pangulo. 

Habang tayo po ay nagtitipon dito sa Mindanao, mayroon din pong nagaganap na selebrasyon na katulad nito sa iba’t ibang parte ng Pilipinas. 

Ganyan po tayo kamahal ng ating Pangulo. 

Gusto po niya na ang kanyang kaarawan, kapag ipinagdiriwang, ay sama-sama po tayong lahat at walang maiiwan.  

At ako po bilang isang anak ng Mindanao, napakasaya ko po na sa pamumuno ngayon ng ating mahal na Pangulo, hindi po naiiwan at hindi niya nakakalimutan ang Mindanao. 

Kung maaalala ninyo po, noong June 2023 lamang, nagpunta po dito sa South Cotabato ang ating mahal na Pangulo upang personal na pangasiwaan ang paglulunsad ng Consolidated Rice Production and Mechanization Program. ‘Yan po ay dahil seryoso siya na ang Mindanao ay maging tunay na food basket ng Pilipinas. At sinikap po natin na ang agrikultura ay maging susi sa food security ng ating bansa. 

At nito lamang May 2024, noong nabalitaan ng ating Pangulo sa Department of Agriculture na aabot daw po sa halos Php 6 billion ang nawawala sa ating mga magsasaka at mangingisda dahil sa El Niño at mahigit 207 na LGU ang naaapektuhan nito, namigay naman ang ating Pangulo ng mahigit na Php 200 million na cash assistance dito po sa South Cotabato, General Santos, Saranggani, Sultan Kudarat, at Cotabato. Ang South Cotabato po mismo, ang balita ko, ay nabigyan ng Php 50 million. Ganyan po kayo kamahal ng ating Pangulo.  

Ito naman po ay dahil naniniwala talaga ang Pangulo na “A stronger Mindanao means a stronger Philippines.” 

At kami naman po sa DBM, sinisikap din namin na makamit ang Bagong Mindanao para sa Bagong Pilipinas.  

Kaya po sa ating proposed National Budget next year, mayroong budget na nakalaan para sa mga Local Government Units. Ito po ay hahantong sa Php 1.184 trillion. At mula po sa budget na ito, ang Region XII ay makatatanggap ng Php 138.14 billion.  

Ang LGU share naman po ng Region XII mula sa National Tax Allotment ay aabot ng Php 44.2 billion next year.  

At ang budget po natin sa ating mga cash assistance, sa ating mga ayuda for next year, ay aabot ng almost Php 700 billion. So, ang ibig sabihin po niyan, lahat po sama-sama—walang maiiwan. Lahat po ng pangangailangan ninyo ay tutugunan po ng ating administrasyon.  

‘Yan po ang Bagong Pilipinas. Ang Pilipinas na may masaganang Mindanao. Mindanao na binibisita mismo ng ating Pangulo ng Pilipinas. 

Inaanyayahan ko po kayong lahat na mag-”Happy Birthday” song sa ating Pangulo.  

Maraming, maraming salamat po. Sigurado pong makakaabot po ‘yan sa ating Pangulo mula dito sa Mindanao hanggang sa Luzon, sa Nueva Ecija. 

Maraming salamat po. 

Alhamdullilah sa lahat ng biyaya! 

You must be logged in to post a comment Login