SP Nagbigayng Mungkahi

Sinabi ni Vice Mayor Jun Berberabe na ihahanda na ang mga planong ito para sa final reading upang maaprubahan na ng konseho.. (PIO Batangas City)  

SP Nagbigayng Mungkahi
Sangguniang Panglungsod
Sangguniang Panglungsod

Nagbigay ng kanilang inputs ang Sangguniang Panglungsod sa Proposed Batangas City Comprehensive Land Use Plan (CLUP) for CY 2019-2028, Batangas City Comprehensive Development Plan for CY 2019-2025, Batangas City Integrated Zoning Ordinance for 2019 at CLUP Executive Summary ng talakayin ito sa committee hearing ng Committee on Environment, Land Use and Zoning, Feb. 5.
Ang mga highlights ng nasabing mga plano ay iprinisentang muli ng Palafox Associates na nagsagawa na rin ng presentation nito sa public hearing na isinagawa ng pamahalaang lungsod noong November 28, 2019. Ang Palafox Associates ang kinumisyon ng pamahalaang lungsod sa pagre review at update ng mga nasabing plano katulong ang Technical Working Group ng lungsod.
Ilan sa mga tinalakay ng Palafox ang classification ng Mt. Banoi, Ilog Calumpang at Isla Verde. Bilang tourism areas, pagkakaroon ng north/south route by-pass road at ang pagtatayo ng park at recreational area sa bahagi ng Ilog Calumpang.
Sa bahagi ng Isla Verde, sinabi ni City Planning and Development Coordinator Sonny Godoy at City ENRO head Oliver Gonzales na dapat magkaroon ng sanitary landfill facility dito at matingnan ang garbage disposal upang maisaayos ang solid waste management sa nasabing isla.
Nagmungkahi si Coun.. Alyssa Cruz na isaalangalang ang pagkakaroon ng karagdagang pampublikong sementeryo sa mga upland at coastal barangays dahil sa ang mga residente dito ay pumupunta pa ng bayan para maglibing sa mga kamag anak at mahal sa buhay. Sinagot naman ni Engr. Godoy na ang additional cemeteries ay kasama sa long- term plan
Napansin rin ni Atienza kung bakit ang brgy. Pagkilatan ay na classify bilang isang eco- tourism area subalit nasa pagitan ng heavy industrial at tourism zones.
Sinagot naman ni Coun. Gerry dela Roca na magka ganon man, ay ligtas pa ring maligo sa mga resorts at beaches sa lugar na ito.
Sinabi ni Vice Mayor Jun Berberabe na ihahanda na ang mga planong ito para sa final reading upang maaprubahan na ng konseho.. (PIO Batangas City)

You must be logged in to post a comment Login