Nakiisa sina Mayor Beverley Dimacuha at Congressman Marvey Mariño sa tree planting activity
Para as “One for Trees” project ng One Meralco Foundation katuwang ang Batangas City Environment and Natural Resources Office (CENRO), noong November 7 sa Garbo Forest na dating open dumpsite ng lungsod sa barangay Tingga LabakPinangunahan naman ni South Area Head, Benjamin Nolasco kasama ang mga south area managers ang grupo mula Meralco. Nakatulong din sa proyektong ito ang barangay officials ng Tingga Labac na silang nagsagawa ng clearing ng lugar.
May 500 bamboo shoots ang itinanim sa Garbo Forest. Ito ay umpisa ng anim na taong tree-planting program ng One Meralco Foundation na naglalayong magkapagtanim ng tatlong milyong puno sa naturang lugar bilang pakikiisa ng Meralco sa pangangalaga ng kalikasan at suporta sa planong gawing Eco Park and Wildlife Sanctuary ang Garbo Forest.
Ang One for Trees project ay ipinatutupad ng One Meralco Foundation sa north, central at south areas, kung saan napili ang Garbo Forest bilang adopted area ng proyekto.
You must be logged in to post a comment Login