Mayors Cup Batangas city 2019

Bukod sa mga medals at tropeo, tatanggap ang winning teams ng cash prizes na P20,000, P15,000, P10,000 at P5,000 ayon sa pagkakasunod-sunod.

Mayors Cup Batangas city 2019

MAYORS CUP 2019

Tinanghal na Mayor Beverley Rose A. Dimacuha Cup 2019 Inter-Barangay Basketball League – Junior’s Division champion ang Barangay Simlong matapos talunin ang karibal nitong Barangay Balete sa harap ng kanilang mga tagasuporta sa championship game na ginanap noong ika-29 ng Mayo sa Batangas City Sports Coliseum.
Naging mainit ang labanan ng dalawang koponan kung saan nakuha nila ang kampeonato sa score na 85-84 sa pamamagitan ng huling 3-point shot ni Carlo Del Mundo .
Nagwagi naman ng ikatlong pwesto ang barangay Sta Clara nang talunin nila ang Barangay Dumantay sa score na 134-87.
Nagsimula noong March 31 ang liga na nilahukan ng 29 teams mula sa ibat-ibang barangay at may players na edad 13 hanggang 19 na taong gulang.
Bukod sa mga medals at tropeo, tatanggap ang winning teams ng cash prizes na P20,000, P15,000, P10,000 at P5,000 ayon sa pagkakasunod-sunod.
Sa Midget Division naman naglaban ang barangay Calicanto at barangay Ambulong na pinagwagian ng huli sa score na 53-67. Mga kabataang edad 7 hanggang 12 taong gulang ang mga kalahok dito.
Ang Mayors Cup ay sinimulan noong 2001 sa pangunguna ni punong lungsod Eduardo B. Dimacuha na ang tanging layunin ay bigyang pagkilala ang kahalagahan ng sports sa buhay ng mga manlalarong Batangueno.
Nagbigay ng raffle items ang Asian Vision Cable Holdings Inc na lubos na ikinatuwa ng mga manonood.
Ang Mayor Beverley Rose A. Dimacuha Cup 2019 Inter-Barangay Basketball League ay sa ilalim ng pangangasiwa ng City Council for Youth Affairs (CCYA) at ng Batangas City Sports Council.

You must be logged in to post a comment Login