May Pera sa Basura

kasama din sa search ang pagandahan ng mga costumes na gawa sa mga recyclable indigenous materials. Kabilang sa mga materyales na ginamit sa patimpalak na ito ang cocunot husks, abaca, shells ng tahong, banig, mga dahon at iba pa.

May Pera sa Basura

BATANGAS CITY- Pinatutunayan ng Search for Batang Maka Kalikasan ng City Social Welfare and Development Office kung saan kalahok ang mga enrolees sa child development centers (CDC) na may pera sa basura.

Sa idinaos na patimpalak , November 27, sa Batangas City Convention Center, nakalikom ng kabubuang halaga na P90,895 sa mga naibentang recyclable materials ng mga bata.

Ito ay bahagi rin ng pagdiriwang ng National Children’s Month na may temang “Isulong: Tamang Pag-aaruga Para sa Lahat ng Bata”.

Layunin ng proyektong ito na mapalawak ang awareness ng mga bata sa kahalagahana ng tamang pangangasiwa ng basura bilang bahagi ng pangangalaga ng kapaligiran at makalikom ng pondo upang gamitin sa mga pangangailangan ng mga CDC..

Bukod sa padamihan ng mga naibentang recyclable materials na kinokolekta ng mga pamilya ng mga bata, kasama din sa search ang pagandahan ng mga costumes na gawa sa mga recyclable indigenous materials. Kabilang sa mga materyales na ginamit sa patimpalak na ito ang cocunot husks, abaca, shells ng tahong, banig, mga dahon at iba pa.

Nanalo sa Batang Makakalikasan 2018 ang pair nila Rhyniel Yvhan Perez at Cassandra Marlyn Fajiculay ng San jose Sico CDC; Most Indigenous Pair sina Von Alvin Liwag at Princess Shamara Gamboa ng Alangilan CDC; Most Elegant Pair sina Rhy Levin Macatangay at Daene Zea Papilosa ng Bolbok CDC; Most Simple Pair sina Khrish Jhon Castillo at Cyan Castillo ng Pulot Itaas CDC; at Most Charming Pair sina Jurt Ivan Coliat at Meagan Evaristo ng Concepcion CDC.

Samantala, nagdaos din ng basketball competition sa mga lalake at volleyball naman para sa mga babae. Naging basket ball champion ang San Miguel CDC at volleyball champion ang Banaba South CDC. MVP sa basketball si John Lloyd Andal at Shekyna Elleri Mojar sa volleyball.(PIO Batangas City)

You must be logged in to post a comment Login