May 25 estudyante mula sa mga public elementary at high schools sa Batangas
City ang ginawaran ng Youth Leadership Excellence Award (YLEA) 2018 ng
Junior Chamber International (JCI) Batangas Caballero.
Ang mga awardees na ito ay sina: Jethro Anonuevo ng Batangas City East
Elementary School, Ma Concepcion Soriano ng Bagong Silang Elementary
School, Odezza Lyka Bay ng Bilogo Elem. School, Suzette Manalo ng Guinto
Elem. School, Aizy Pulpulaan ng Paharang ES, Andrew Noel Zamora ng San Jose
Sico ES, Ariane Krisselle Muñoz ng Talumpok Proper ES, Kish Chloe Dueñas ng
Talumpok Silangan ES, Samuel John Patrick Eje ng Tulo I ES, Carylle Angelie
Cueto ng Tulo II ES, Reinalyn Baja ng Talumpok NHS, Kyla Lorraine Hernandez
mula sa Paharang NHS; Hazel Anne Dueñas ng Alangilan ES, Vinz Roid Javier
ng Balagtas ES, Cindy Louise Pael ng Balete ES, Angel Arguelles ng Balete
ES , Glenn Plata ng Bucal ES, Mary Grace Almarez ng Mahabang Parang ES,
Chloe Daphne Plata ng Concepcion ES, Pola Bianca Balmaceda ng Balete NHS,
Aldrin Lance Hernandez mula sa Alangilan Senior HS at sina Maria Althea
Cariaga ng Calicanto ES, King Christopher Bañez ng Sta Rita NHS, Ara Mae
Caaway ng Alangilan Senior HS at Joanna Rae De Ocampo mula sa Bolbok ES.
Ayon kay Board Member at JCI Board of Directors member Claudette Ambida at
tumatayong project chairman ng YLEA, layunin ng naturang parangal na
kilalanin ang magagaling na mga mag-aaral hindi lamang sa kanilang
leadership qualities kundi sa kanilang academic excellence.
“We want to challenge them to become good leaders at higit na mahubog ang
kanilang kakayahang mamuno,” sabi ng bokal.
Kabilang sa mga awardees ay mga student government council presidents at
mga honor students.
Nakipag-ugnayan ang JCI Batangas Caballero sa Dep Ed sa pagpili ng mga
paaralan at estudyanteng gagawaran ng award.
Sa loob ng maraming taon, kilala din ang YLEA bilang Senator JV Ejercito
Award at ngayon ay Senator Sonny Angara Award dahilan sa kanilang suporta
sa proyektong ito.
Sinabi ni Ambida na ito ang unang pagkakataon na nagsagawa sila ng mass
awarding kung saan inimbitahan din nila ang mga magulang upang sila mismo
ang magsabit ng medalya at mag-abot ng sertipiko sa kanilang mga anak.
Nagbigay ng inspirational message si Jayvy Gamboa na isa sa Ten Outstanding
Boy Scouts of the Philippines noong 2014 at Outstanding Scout of the Asia
Pacific Region noong 2015.
Malaki aniya ang naitulong ng boy scouting sa kanyang mga nakamit na
karangalan at narating sa kasalukuyan. Pinayuhan niya ang mga kabataan na
maging pursigido upang matupad ang kanilang mga pangarap at payo naman niya
sa mga magulang na suportahan ang kanilang mga anak sa mga mithiin ng mga
ito.
Ang value ng hard work naman ang binigyang diin ni National Youth
Commission Ambassador for AISEP 2018 na si Cristian Gerald Macaraig.
Dumalo din sa naturang okasyon si JCI Batangas Caball
You must be logged in to post a comment Login