By: Ma. Cecilei De Castro, Lea Fajanilan, Almirah De Chavez, Joyce Luague
Sa pakikipagtulungan ng Provincial Government sa pangunguna ni Governor Hermilando Mandanas, sinimulan na ang rehabilitasyon ng Basilica of the Immaculate Conception matapos ang Holy Week.
Isinagawa ang rehabilitasyon upang maisaayos agad ang kabuuan ng simbahan at muli itong buksan at magamit ng mga mananampalatay kahit walang kasiguraduhan kung kalian ito matatapos.
Sa pamamagitan ng City Engineering Office ay nakapagbigay ang mga ito ng mga paalala at babala para sa kaligtasan at gayun din naman mula kay Archbishop Gilbert Armea Garcera ay nagpadala ito ng Instructional Engineering Firm upang pag-aralan ang buong istraktura ng Basilica.
Tuloy tuloy namang ginagawa ang pagsasa-ayos ng simbahan ngunit habang hindi pa ito maaring gamitin ay lumipat muna ng lugar pansamantala para pagdausan ng mga misa at ilan pang aktibidad.
Basilica sa Kasalukuyang Panahon
By: Ma. Cecilei De Castro, Almirah De Chavez, Lea Fajanilan, Joyce Luague
Halos dalawang buwan na din ang lumipas nang maganap ang malakas nalindol na gumimbal sa lalawigan ng Batangas ngunit gayunpaman ay bakas pa rin ang epekto nito sa ilang imprastraktura partikular na sa Basilica of the Immaculate Conception.
At sa kadahilanang hindi pa maaaring pagdausan ng misa ang nasabing simbahan at di pa malaman kung kailan matatapos ang rehabilitasyon nito ay lumipat muna ng lugar pansamantala ang pagdaraos ng mga misa at ilan pang aktibidad, Noong nakaraang Holy week ay sa Plaza Mabini nagdaos ng misa at ang sumunod ay sa Pastoral Center na.
Sa kasalukuyan ay patuloy ang pagsasa ayos at pagpapaganda nang Basilica of the Immaculate Conception katuwang ang Provincial Government sa pangunguna ni Governor Hermilando Mandanas, ang City Engineering Office para sa ilang paalala at babala ng kaligtasan at gayun din ay nagpadala si Archbishop Gilbert Armea Garcera mula sa Instructional Engineering Firm upang pag-aralan ang buong straktura ng Basilica at gumawa ng isang pag-aaral tungkol dito.
Ang kabuuan ng simbahan ay umaasang matatapos na ang rehabilitasyon ng Basilica at muli na itong buksan at mapapagamit sa mga manananampalataya.
Sinimulan na ang rehabilitasyon ng Basilica of the Immaculate Conception. Ito ay sa pakikipagtulugan ng Provincial Government ng Batangas.
You must be logged in to post a comment Login