Climate change at illegal fishing

Batangas city-Nangangailangan ng rehabilitasyon ang mga sirang corals sa Isla Verde dulot ng mga bagyo o climate change at illegal fishing.

Climate change at illegal fishing

  Climate change at illegal fishing

 ( Palakat ) Batangas city-Nangangailangan ng rehabilitasyon ang mga sirang corals sa Isla Verde dulot ng mga bagyo o climate change at illegal fishing.

Ito ang sinabi ni Nonoy Beldia , marine biodiversity conservation manager ng Malampaya Foundation, Inc. sa ginawang pagpupulong ng Verde Island Sanctuary Management Board (VISMB) noong June 8 sa Bahay Kaalaman sa Batangas National High School. Ayon sa kanya, handa ang Malampaya na tumulong sa rehabilitasyon ng mga corals na ito.

Ayon kay Pangulong Edmar Rieta ng San Agapito, Isla Verde, patuloy ang illegal fishing dahilan sa mahinang pagpapatupad ng batas at pagkukulang ng mga bantay-dagat sa pagtupad sa kanilang tungkulin. “Patuloy ang paggamit ng compressor pambasag ng mga corrals ng mga namamana sa gabi. Sa ika-apat na araw, ubos ang isda,” sabi ni Rieta. Minsan din ay may sabwatan aniya ang illegal fishers at mga bantay dagat.
Napupuna na rin daw ng mga scuba divers na dumarayo sa Isla ang pagkasira ng mga corals kung kayat nababawasan ang ganda ng karagatan dito. Ang mga divers na ito ay nagbabayad ng diver’s fee na P100.

Nabanggit din ng ilang mga pangulo na naging hindi aktibo ang council kayat ang akala ng iba ay nabuwag na ito bukod sa ang council ay dalawang beses lamang sa isang taon na nagkakaroon ng pagpupulong.

Sinabi naman ng PNP Maritime Group na handa silang makipagtulungan upang higit na mabantayan ang karagatan sa mga illegal fishers.

Tinalakay din ni Beldia ang proposed expansion ng San Agapito Marine Protected Area kung saan ito ay sinusuportahan ni Pangulong Rieta.

Napagkasunduan ng council na magdaos ng election ng officers sa July 4 upang magsulong ng ibayong kampanya na mapalakas ang pangangalaga ng karagatan sa Isla Verde at maiwasan ang pagkasira ng mga yaman nito. PIO Batangas City

 

 

 

You must be logged in to post a comment Login