Mga Atleta sa Batangas, Kinilala

Ang pagbibigay karangalan na ito ay patunay lamang na hindi pahuhuli ang mga Batangueño sa paglalaan ng dedikasyon at disiplina gayundin sa pakikipagtagisan ng galing sa iba’t ibang larangan ng palakasan.

Mga Natatanging Atleta sa Lalawigan ng Batangas, Kinilala ng Pamahalaang Panlalawigan

Binigyan ng pagkilala ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang tatlong Batangueñong atleta dahil sa kahusayan at determinasyon sa larangan ng Taekwondo sa 25th International Taekwondo Festival 2018 na idinaos noong May 19-20 sa California, USA.

Ginanap ang paggawad ng pagkilala na pinangunahan ni Gov. Dodo Mandanas,

 sa

Mandanas, sa Provincial Auditorium, Lungsod ng Batangas noong ika-4 ng Hunyo taong kasalukuyan.ProvincialAuditorium, Lungsod ng Batangas noong ika-4 ng Huny

Ang mga kinilalang atleta ay ang kambal na sina Geraldine Jur Macatangay at

Geraldine Lex Macatangay na nagmula sa Barangay Calicanto, Batangas City;

at John Bruce

Abante ng Lungsod ng Lipa.Ang magkapatid ay nakakuha ng pinakamataas na

parangal sa Junior Poomsae at Sparring Events. Si Geraldine Jur ay nagkamit ng

medalyang ginto para sa dalawang nasabing events samantalang naiuwi ni

Geraldine Lex ang gold medal para sa Junior Poomsae at silver medal naman sa

Junior Sparring. Nasungkit naman ni Abante ang Silver Medal sa Kyorugi at Bronze

Medal sa Poomsae. Naging saksi sa tagumpay ng tatlo ang kanilang coach na si

Mr. John Earl Abante.

Sa naging mensahe ni Governor Dodo Mandanas, pagkakalooban ang tatlong

atleta ng Scholarship mula Senior High School hanggang sa makatuntong sila

ng kolehiyo. Ang pagbibigay karangalan na ito ay patunay lamang na hindi

pahuhuli ang mga Batangueño sa paglalaan ng dedikasyon at disiplina gayundin sa pakikipagtagisan ng galing sa iba’t ibang larangan ng palakasan.

Nakiisa sa pagbati sa mga kabataang Batangueño ang mga miyembro ng

Sangguniang Panlalawigan, Provincial Administrator Librado G. Dimaunahan

at Provincial

Assistance for Community Development Office Department Head Dr. Amante A. Moog.
✐ Mark Jonathan M. Macaraig – Batangas Capitol PIO


You must be logged in to post a comment Login